Pagbaba sa edad ng criminal liability sa mga kabataan, tinutulan ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Duda si Akbayan Representative Tom Villarin na mapoprotektahan ng inaprubahang panukala na pagpapababa sa age of criminality ang kapakanan ng mga kabataan.

Ayon kay Villarin, wala siyang tiwala na magiging confidential ang pagkakakilanlan ng mga kabataan na mapaparusahan sa ilalim ng panukala dahil sa nauusong data breach.

Sa oras na madala sa Korte ang kaso ng isang batang nakagawa ng krimen, ito ay maituturing na public record at mahirap nang itago.


Naniniwala din si Villarin na masyadong minadali ang pagpasa sa substitute bill at walang konkretong ebidensyang naipresenta sa pagdinig na nagsasabing maraming bata ang ginagamit ng mga sindikato.

Wala rin umanong magagawa ang Bahay Pag-asa o child rehabilitation center para mapatino ang mga bata dahil sa kakulangan ng intervention programs para sa mga nahuhuling kabataan.

Facebook Comments