Wala pang napagkakasunduan ang Metro Manila Mayors (MMC) hinggil sa unified curfew para sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila sa ika-6 ng Agosto.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, patuloy pa itong pinag-uusapan ng mga alkalde.
Sa ngayon, ang kasalukuyang curfew hours sa Metro Manila ay alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw na pinaiiral ng Philippine National Police (PNP) sa mga border at control points.
Samantala, maliban sa mga checkpoint ay asahan na rin ang presensiya ng mga pulis sa mga matataong lugar pati na rin sa mga payout center para sa ayuda.
Facebook Comments