Hindi pa dapat magpakakampante kahit na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pagbaba ng kaso ay posibleng lamang sa mababang bilang ng mga nasusuri.
Anila, kapansin-pansin na bumababa ang mga naitatalang kaso habang tumataas naman ang bilang ng mga nasasawi sa virus.
Sa katunayan, umabot sa 75,000 ang naitalang nasawi sa COVID-19 noong nakalipas na linggo.
Iginiit din ng WHO na hindi pa ngayong ang tamang panahon para baguhin ang isolation requirements sa mga nagpopositibo sa virus lalo na’t maraming bansa ang nagbabalak na luwagan na ang kanilang mga restriksyon.
Facebook Comments