Pagdagsa ng mga turista sa Boracay at iba pang bahagi ng bansa, pinaghahandaan na ng PNP

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa pagdagsa ng mga turista sa iba’t ibang tourist destination sa bansa partikular ang Boracay na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Kasunod ito ng papalapit ng dry season at pagluluwag sa mga quarantine restriction sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, mayroon silang tourist police unit na inatasang magpatupad ng health protocols at mga lokal na ordinansa.


Aniya, nagbaba na rin siya ng kautusan sa mga police unit na paigtingin ang kanilang kampanya kontra krimen para maprotektahan ang mga turista.

Facebook Comments