Binago ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang Open Access Transmission Service Rules para pag-isahin ang mga umiiral na panuntunan nito.
Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, panahon na para muling repasuhin ang 2006 OATS rules upang matugunan ang mga usaping bumabalot sa pagkwenta o computation ng transmission charges.
Ani Devanadera, ang layunin ng bagong OATS 2022 na ipaunawa sa publiko gayundin ang maging transparent ang Electricity Market na siyang ginagawang batayan sa pagtataas o pagbaba ng bayarin sa kuryente.
Sakop din ng inamiyendahang panuntunan ang mga pananagutan ng Transmission Network Provider bilang System Operators salig sa Philippine Grid Code at Wholsale Electricity Spot Market o WES-M
Sinabi pa ng ERC na ang OATS ay nakasalig din naman sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9136 ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.