Dahil sa hindi tinanggap na taya sa sugal sa isang, lalaki tinaga

20
Nabas, Aklan — Patuloy ngayon na ginagamot sa Ibajay District Hospital ang isang lalaki matapos na tagain kagabi sa isang lamay sa Brgy. Habana Nabas, Aklan. Base sa report ng Nabas PNP, nakilala ang biktima na si Ednilor Espanyola, 26- anyos habang ang mga suspek ay kinilalang sina Julius Tingne, 44 anyos at Rafael Aguirre, sa legal na edad lahat residente ng nasabing lugar. Sa Imbestigasyon lumalabas na, nagsusugal ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek at gustong tumaya pero hindi ito tinanggap ng biktima dahil sa kasisimula pa lamang. Nong huli ay lumabas ang biktima para bumili ng sigarilyo pero lingid sa kaalaman nito ay nakabantay pala ang mga suspek at tinaga siya na tinamaan sa paa dahil hindi na nito nagawang makaiwas pa. Nakatakbo ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga residente at dinala sa hospital. Naaresto na rin ng Nabas PNP ang mga suspek.
Facebook Comments