MANILA – Naniniwala si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na kailangan ang pagbabago sa saligang batas para maipatupad ang plano ni Presumptive President Rodrigo Duterte na pederalismo.Ang pederalismo ay ang pagkakaroon ng hiwalay na pamumuno sa isang lugar na malaya sa kontrol ng pamahalaang pambansa sa ilang aspetong pulitikal.Sa interview kay Pimentel, ipinaliwanag niya na mas madaling maibibigay sa mga Local Government Units (LGUs) ang kaunlaran sa pagpapa-iral ng pederalismo sa bansa.Ipinaliwanag niya na hindi lang sa Bangasamoro Region magkakaroon ng Federal States kundi meron ding apat sa Luzon, apat sa Visayas at tatlo sa Mindanao.Una nang sinabi ni Duterte na pederalismo ang sagot sa lumalalang kaguluhan sa Mindanao at hindi ang Bangsamoro Basic Law.
Pagbabago Sa Saligang Batas, Kailangan Para Maipatupad Ang Pederalismo Na Plano Ni Presumptive President Rodrigo Duterte
Facebook Comments