Pagbabagsak ng agri-products galing CALABARZON patungong Metro Manila, tuloy-tuloy na

52
Photo Courtesy: Department of Agriculture

Nangako sa Department of Agriculture (DA) ang mga Farmers’ Cooperative and Associations sa CALABARZON na gagawing tuloy-tuloy ang pagsusuplay ng agricultural products para sa Metro Manila.

Layon nito na madagdagan pa ang supply ng farm produce mula sa rehiyon para sa mga residente sa NCR.


Nakapagpadala na ng mga truck loads ng mga prutas, gulay, itlog, bigas at manufactured goods sa Muntinlupa City ang KADIWA ng DA CALABARZON mula sa rehiyon.

Pagtiyak naman ng Batangas Organic and Natural Farming Agriculture Cooperative na kaya nilang magsuplay ng halos dalawang tonelada ng agri-products sa Muntinlupa City kada linggo.

Facebook Comments