PAGBABAHAGI NG EYE OPERATIONS NG ASAWA’T ANAK NI NADINE SAMONTE, INULAN NG SUPORTA MULA SA NETIZENS

Sa Instagram post, ibinahagi ni Nadine Samonte ang larawan ng kanyang anak na si Heather at ang emotional na caption.

Mabigat para sa isang ina ang pagsubok na kanilang pinagdaraanan lalot ang anak niyang si Heather ay sasailalim sa isang eye surgery.

Dagdag pa, na pati ang asawa nyang si Richard Chua ay magkakaroon ng angiogram. Hiling ng dating aktres na sana ay hindi na kailanganin ng stents ng asawa.


Kung matatandaan, June ng ibihagi nito ang pagbubuntis sa pangatlong anak na siya’y may polycystic ovary syndrome (PCOS) and antiphospholipid antibody syndrome (APAS) na naging dahilan ng kanyang maselang pagbubuntis.

Sa huli humiling ng dasal si Nadine para sa kanyang pamilya na pinipilit maging matatag at naniniwalang hindi sila pababayaan ng Panginoong Diyos.

Facebook Comments