Kulang sa manpower para maisagawa ang house to house vaccination.
Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa Laging Handa public press briefing.
Ayon kay Abalos, sang-ayon siya sa sinabi kamakailan ni CabSec. Karlo Alexei Nograles na magbahay-bahay ang Local Government Units (LGUs) para maturukan ng bakuna ang mga vulnerable population lalo na ang mga lolo at lola na hindi na kayang magtungo pa sa vaccination sites at mga bedridden.
Pero ayon kay Abalos, dahil sa bilis ng hawaan bunsod ng Omicron variant, marami na ring mga medical health workers, mga kawani ng Brgy. Health Emergency Response Team (BHERT) at mga vaccinators ang tinamaan narin ng COVID-19.
Paliwanag nito, maganda ang mithiin, pero sa ngayon ay hindi ito doable dahil narin sa kakulangan ng tao sa grounds.
Pero para aniya sa mga LGUs na may sapat na manpower, maaari nila itong isagawa upang mas lalo pang tumaas ang bilang ng mga bakunado.