DND, pumirma sa isang proyekto para sa pagbili ng anti-ship missile

195

Pinirmahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang head ng Procuring Entity (HOPE) ang Notice of Award for the Philippine Navy Shore-Based Anti-Ship Missile Acquisition Project.

Ayon sa kalihim, ang nasabing proyekto ay na conceptualized noong taong 2017 at inaprubahan ng Office of the President para mapabilang ito sa Horizon 2 Priority Projects noong 2020.
Ang Shore-Based Anti-Missile Ship Project ay gawa ng BrahMos Aerospace Private Ltd., ng India na nagkakahalaga ng $375 million.

Dagdag pa ni Lorenzana nakipag-negosasyon ang Philippine government sa gobyerno ng India para mapasama sa delivery ang tatlong batteries, training for operators and maintainers at mga necessary Integrated Logistics Support (ILS) package.


Ang Coastal Defense Regiment ng Philippine Marines ang siyang hahawak at mag-operate nitong modern strategic defense capability ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Naniniwala ang kalihim na malaking tulong ito sa Philippine Navy para maprotektahan ang teritoryo ng bansa.

Una ng sinabi ng Philippine Navy na ang BrahMos missile ang siyang ideal weapon para sa kanilang shore-based anti-ship missile project.



Ang BrahMos cruise missile ay maaaring i launched sa pamamagitan ng barko, aircraft, submarine o sa kalupaan at may kakayahan na magdala ng warheads na may bigat na 200 hanggang 300 kilograms.

Facebook Comments