Pagbabaklas ng mga ipinagbabawal na campaign materials, hanggang ngayong araw na lamang

Manila, Philippines – Binigyan ng Commission on Elections (Comelec) hanggang ngayong araw ang mga kandidato sa 2019 midterm elections na baklasin ang lahat ng mga ikinabit nitong unlawful campaign materials.

Sa interview ng RMN Manila, babala ni Comelec Spokesperson James Jimenez – hindi sila magdadalawang-isip na gumawa ng legal na aksyon laban sa mga ito kung patuloy silang lalabag sa election rules and regulations.

Bukas, February 15 ay idodokumento na ng poll body ang lahat ng mga unlawful campaign materials na nakakabit pa rin.


Karamihan sa mga nadokumentong illegal campaign posters ay mula kay senatorial candidates Bong Go, Francis Tolentino, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Mar Roxas.

May mga ipinagbabawal ding campaign materials mula sa mga party-list groups na PBA, Buhay, TGP at SBP.

Facebook Comments