Pagbabaklas sa mga unlawful campaign materials, dapat totohanang gawin ng Comelec – VP Robredo

Umaasa si Vice President Leni Robredo na tutuparin ng Commission on Elections (Comelec) ang hakbang nito na baklasin ang mga unlawful campaign materials bago ang opisyal na pagsisimula ng campaign period bukas, February 12.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na maiiwasan nito na gawing ugali tuwing halalan.

Inihalimbawa din ni Robredo ang mga malalaki at mahal na campaign posters ng isang senatorial candidate na napukaw ang kanyang atensyon nang bisitahin niya ang kanyang home province na Camarines Sur.


Iginiit ni Robredo na dapat panagutin ng poll body ang mga kandidato at political parties kung hindi sumunod ang mga ito sa panuntunan hinggil sa campaign ads at materials.

Binanggit din ng Bise Presidente na disadvantage ito para sa mga kandidatong walang pondo kung hindi maghihigpit ang poll body sa campaign rules.

Base sa Comelec resolution number 10294, nakalinya sa Republic Act 9006 o Fair Elections Act, itinatakda rito ang rules tungkol sa campaign ads at materials.

Facebook Comments