Joma Sison, dapat itigil na ang “daydreaming” baka bangungutin – Palasyo

Manila, Philippines – Nanawagan ang Malacañang kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na tigilan na ang pangangarap ng gising lalo at kung mababangungot lamang siya sa kanyang marangyang pamumuhay sa The Netherlands.

Bwelta ito ng Palasyo matapos sabihin ni Sison na “insulto” ang muling alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nagiging ilusyonado na si Sison kaya hindi na nakakapagtaka na hindi na siya sinusunod ng kanyang ground forces.


Muling nanawagan si Panelo kay Sison at mga rebeldeng komunista na sumuko na muling magbalik-loob sa lipunan.

Facebook Comments