Pagbabakuna, dapat gawing bukas sa publiko ayon sa isang senador

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno na gawin nang bukas para sa publiko ang pagbabakuna.

Kasunod ito ng ulat na dumami ang bilang ng mga Pilipinong tumangging magpabakuna kung saan batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 32 percent lamang ng 26 milyong Pilipino sa National Capital Region (NCR) ang ‘willing’ na mabakunahan.

Ayon kay Gatchalian, nakatakdang tumanggap ang Pilipinas sa Hunyo ng aabot sa 21 milyong bakuna kontra COVID-19 na sapat na para mabakunahan ang 8 milyong residente sa Metro Manila.


Suportado naman ni Gatchalian ang panukalang alokasyong bakuna para sa iba’t ibang grupo tulad ng; Pfizer para sa mga estudyante, AstraZeneca para sa mga matatanda at Sinovac para sa mga sundalo at kapulisan.

Sa ngayon ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer and Testing Czar Vince Dizon, umabot na sa mahigit 4.3 milyong Pilipino ang nabakunahan sa bansa kung saan mahigit 986,000 ang fully vaccinated at higit 3.3 milyon ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.

Facebook Comments