Pagbabakuna, dapat muling paigtingin sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19

Iginiit ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang muling pagpapaigting ng pagbabakuna laban sa COVID-19 ngayong marami muli ang tinatamaan ng virus.

Sabi ni Co, ang muling pagpapatupad ng Alert Level 2 ay wake-up call para sa lahat na patuloy pa ring kumakalat ang COVID-19 at delikadong tamaan nito ang hindi pa bakunado, walang booster shots at immunocompromised.

Ayon kay Co, dapat maging aktibo ngayon ang barangay health workers sa 26 na lugar sa bansa na isinailalim sa Alert Level 2 para gawing puspusan ang pagbanakuna laban sa COVID-19 at iba pang sakit.


Bunsod nito ay hiniling din ni Co sa Department of Health at sa Inter-Agency Task Force na ilahad sa publiko ang mga data at buong mga detalye kaugnay sa pagkalat muli ngayon ng COVID-19.

Paliwanag ni Co, makakatulong sa pag-iingat ng publiko kung malalaman nila ang dahilan o kung paano muling kumakalat ngayon ang COVID-19 at kung ilan ang nasasawi at nasa kritikal na kondisyon.

Facebook Comments