3 Indian terrorists, arestado ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Indian terrorists sa Iloilo.

Ito ay matapos salakayin ng mga awtoridad ang apartment na hideout ng tatlong hinihinalang miyembro ng Khalistan Tiger Force (KTF), isang Sikh extremist group sa India.

Kinilala ang mga suspek na sina Manpreet Singh, 23; Amritpal Singh, 24; at Arshdeep Singh, 26.


Idineklara ng Indian government ang Khalistan Tiger Force, bilang mga teroristang organisasyon sa ilalim ng Unlawful Activities (Prevention) Act, UAPA.

Ang naturang Indian terrorists ay nakatakdang ipa-deport bukas.

Facebook Comments