Pagbabakuna, dapat paigtingin bago alisin ang obligadong pagsusuot ng face mask

Iginiit ni Senator JV Ejercito na dapat munang pag-ibayuhin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 kasama ang pagbibigay ng booster shots bago bawiin ang pagpapatupad ng obligadong pagsusuot ng face mask.

Diin ni Ejercito, sa ibang bansa ay itinuturing na lang na ordinaryong trangkaso ang COVID-19 dahil halos lahat ng kanilang mamamayan ay bakunado na.

Paliwanag pa ni Ejercito, kailangang pagsikapan ng pamahalaan na maramdaman ng mamamayan na sila ay ligtas para magpatuloy ang mga negosyo.


Kasabay nito ay hiniling din ni Ejercito sa Department of Health (DOH) na maging transparent at ipaliwanag na mabuti sa taumbayan ang sitwasyon kaugnay sa COVID-19 lalo na kung itataas muli ang ipinatutupad na Alert Level.

Sabi ni Ejercito, ito ay para hindi mabahala o mag-panic ang publiko.

Facebook Comments