Pagbabakuna, dapat pang palakasin ng pamahalaan para maiwasan ang “ripple effect” ng COVID-19 sa mga rehiyon sa labas ng NCR – OCTA

Hinimok ng OCTA Research Group ang pamahalaan na palakasin ang COVID-19 vaccine rollout para maiwasang magkaroon ng case surge mula Metro Manila patungo sa iba pang rehiyon.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kapag nagkakaroon ng surge sa Metro Manila ay tila umaabot din ang epekto nito sa mga kalapit na probinsya.

Aniya, inaabot ng isa hanggang dalawang buwan bago ito umabot sa mga probinsya.


Tila nagkakaroon ng “ripple effect” kapag nagkaroon ng COVID-19 case surge sa Metro Manila.

Iginiit ni David na mapuputol lamang ang ganitong cycle kapag pinalakas ang vaccination.

Sa report ng OCTA, bahagyang tumaas ang reproduction number sa Metro Manila mula sa 0.5 patungong 0.68.

Facebook Comments