Hinikayat ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang Department of Health (DOH) na paigtingin pa ang paglulunsad ng malawakang kampanya sa pagbabakuna para mapalakas ang tiwala ng publiko.
Ayon kay Lacson, mainam itong gawin habang hinihintay ang pagdating ng maramihang suplay ng bakuna sa bansa laban sa COVID-19.
Ipinaliwanag ni Lacson na bagama’t ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maipasok ang mga bakuna sa bansa ay baka masira lang ito kung maraming Pilipino ang ayaw magpabakuna.
Bukod dito ay iginiit din ni Lacson sa DOH na kahalagahan na mag-focus sa “prevention and cure” at hindi lang sa pag-ulat ng mga nag-positive at namatay sa COVID-19.
Facebook Comments