Pagbabakuna kontra COVID-19, dapat patuloy na pag-ibayuhin sa Alert Level 1

Pinapatiyak ni Senator Francis Tolentino na mananatiling puspusan ang pagbabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19 kahit ibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay Tolentino, kailangang magpatuloy pa rin ang pagbibigay ng bakuna at booster shots kontra COVID-19 sa mga bata, sa mga nasa hustong gulang, at lalo na sa mga senior citizen at may comorbidity.

Paliwanag ni Tolentino, kahit mababa na ang bilang ng nagpopositibo sa sakit, ay nanatili pa rin ang virus at ang banta na muli itong kumalat.


Dagdag pa ni Tolentino, kailangan din ang bakuna para maging ligtas ang lahat sa muling pagbabalik ng face-to-face classes.

Facebook Comments