Pagbabakuna kontra COVID-19, desisyon na ng mga manlalaro ng PBA ayon sa pamunuan nito

35

Nasa desisyon na ng mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na magpaturok na bakuna bilang pag-iingat sa virus ng COVID-19.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nirerespeto nila ang desisyon ng mga manlalaro.

Pero paglilinaw nito, mayroong kakaharaping parusa ang sinumang manlalaro na nagpositibo sa COVID-19 dahil sa pagtanggi nito na magpaturok ng COVID-19 vaccine.


Isa na rito ang mandatory quarantine at ang pagbabawas sa sahod ng nagpositibong manlalaro.

Facebook Comments