Pagiging single mother, blessing at hindi malas ayon kay Pokwang

Hindi pinagsisisihan ng komedyanteng si Pokwang o Marietta Subong sa totoong buhay na naging single mother siya bago niya makilala ang kaniyang partner na si Lee O’Brian.

Sa virtual media conference ng pagbibidahang Mother’s Day movie na “Mommy Issues” ni Pokwang, hindi napigilan ng aktres na maiyak matapos siyang surpresahin ng kaniyang anak.

Pinapurihan nito ang katapangan ni Pokwang na palakihin siya nang mag-isa noon at umaasang magiging katulad ng ina sa hinaharap.


Bumuhos naman ang luha ng aktres na sinabing hindi niya pinagsisisihang naging single mother dahil para sa kaniya, biyaya ang pagkakaroon ng anak.

Sa ngayon, kagaya ng maraming ina, handa si Pokwang na ialay ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Facebook Comments