Nakikita ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na maaari pa ring ituloy ang pagbabakuna na isa hanggang dalawang beses kada taon.
Ito’y kahit na maabot na ang target population na bilang ng mga Pilipino na dapat mabakunahan.
Sinabi ni Solante sa Laging Handa public briefing na mayroong tinatawag na waning of immunity kaya kung tutuusin ay hindi tumatagal ang proteksiyon ng bakuna.
Ibg sabihin, bumababa ang proteksiyon matapos na mabakunahan ng anim hanggang walong buwan
Ang nakikitang opsiyon dito ayon kay Solante ay muling magpabakuna, isa hanggang dalawang beses kada taon para lang makatiyak ng proteksiyon at makaiwas sa pagkakaroon ng severe COVID.
Facebook Comments