PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19 SA MGA COMMUTER TRANSPORT AT MARKET VENDORS NG SAN CARLOS CITY, MAAARING ISAGAWA NGAYONG BUWAN

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Inaasahan namang magsisimula na ngayong buwan sa lungsod ng San Carlos ang pagbabakuna sa mga Commuter Transport (A4.1 Priority) at Market Vendors (A4.2 Priority) kasabay ito ng isinasagawang pagbabakuna kontra COVID-19.

Tuloy tuloy din naman ang pagdating ng COVID-19 vaccine na kung saan ang lungsod ay may nakahanda na storage facility para dito.

Panibagong batch din naman ng 1,000 doses ng Sinovac Vaccines mula sa national government na inaasahang maibibigay sa mga natitirang indibidwal na kabilang sa A1 Priority sa susunod na linggo.


Samantala, nakatanggap din ang lokal na pamahalaan ng 100 doses ng Moderna Vaccines na ibibigay naman sa A2 Priority o Senior Citizen na hindi pa nabakunahan.

Mababatid na ang lungsod ay nakapag bakuna noong mga nakaraang linggo ng higit isang libo kada araw sa anim na vax sites nito para sa A2 category.

Facebook Comments