Pagbabakuna laban sa tigdas at polio, muling papaigtingin ng pamahalaan ng Valenzuela City

Simula ngayong araw ay ikinasa ng pamahalaang lokal ng Valenzuela ang pagbabakuna sa mga bagong panganak hanggang 59 months o walang pang limang taon na mga bata.

Kabilang dito ang bakuna laban sa tigdas, rubella at polio.

Diin ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, libre at ligtas ang nabanggit na mga bakuna para proteksyunan ang mga bata laban sa mga nakamamatay na sakit.


Paliwanag ni Gatchalian sa mga magulang, bagama’t may pandemya ay hindi dapat isantabi ang pangangalaga sa kalusugan ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagtiyak na kumpleto ang kanilang mga bakuna.

Dahil dito ay hinihikayat ni Mayor Gatchalian ang mga magulang na makipag-uganayan sa Barangay Health Station at suportahan ang immunization program sa Valenzuela para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Facebook Comments