Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi garantiya ang pagpapabakuna ng anti-flu at anti-pneumonia ng isang tao para hindi tamaan ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagpapabakuna ng anti-flu at anti-pneumonia ay makatutulong lamang sa pagpapalakas ng resistensya ng isang tao.
Pero hindi ito makatutulong na maiwasan na mahahawaan ng COVID-19.
Maliban dito, sinabi rin ni Vergeire na maaari namang ibigay sa mga mamamayan ang iba pang bakuna para mapigilan ang iba pang uri ng trangkaso at pneumonia.
Facebook Comments