Pagbabakuna ng booster shot sa mga 12-17 yrs. old, aarangkada na sa mga susunod na araw

Tiniyak ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na matutuloy na, kung hindi bukas ay sa mga susunod na araw ang pagbabakuna ng booster shot sa lahat ng mga batang edad 12-17 yrs. old.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Vergeire na mayroon nang inilabas na panuntunan dito ang Department of Health (DOH).

Ngayong araw rin nag-umpisa ang orientation para sa mga healthcare workers na magtuturok ng bakuna.


Paliwanag ni Vergeire mayroon lamang inaayos na proseso ang Health Technology Assessment Council (HTAC) kung kaya’t bahagyang naantala ang pagtuturok ng booster sa naturang age group.

Sa ngayon kasi tanging mga immunocompromised pa lamang na edad 12-17 yrs. old ang may go signal para maturukan ng booster dose.

Facebook Comments