Pagbabakuna ng kauna-unahang locally made COVID-19 vaccine sa Taiwan, sisimulan na ngayong araw!

Simula ngayong Lunes, uumpisahan na ng Taiwan ang paggamit sa kauna-unahan nilang locally made COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos aprubahan ang emergency use ng Medigen COVID-19 vaccine kung saan nakatanggap ng bakuna si Taiwanese President Tsai Ing-Wen.

Tiniyak naman ni Medigen Chief Executive Officer Charles Chen na ligtas ang kanilang bakuna.


Inilunsad ang vaccine rollout ng locally made vaccine matapos na mahirapan ang Taiwan na kumuha ng supply ng bakuna sa ibang mga bansa.

Facebook Comments