Isinusulong ng isang opisyal mula sa Department of Health (DOH) na gawin na lamang sa mga tahanan ang pagbabakuna sa mga senior citizen.
Kasunod ito ng naitalang pagbaba sa bilang ng mga matatandang nakatanggap na ng bakuna na kabilang sa A2 priority group ng gobyerno.
Ayon kay DOH Director Beverly Ho, mas maganda itong gawin para mapalakas ang COVID-19 vaccination sa hanay ng mga matatanda.
Hanggang nitong ika-2 ng Agosto kasi ay nasa 32% pa lamang ng senior citizens sa bansa ang nakakumpleto na ng bakuna.
Sa ngayonm isa pang suhesiyon ay magkaroon ng tanggapan sa mga barangay hall para sa mga matatandang hindi pamilyar sa teknolohiya para matulungan sila na makapagrehistro.
Facebook Comments