Tuloy ang pagtuturok ng Moderna vaccine sa bansa.
Ito ay kinumpirma ni DOH Spokerperson Usec. Maria Rosario Vergeire matapos suspindihin ng Japan ang domestic distribution ng naturang vaccine brand dahil sa kontaminasyon.
Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire na walang natanggap ang bansa na kontaminadong bakuna na gawa ng Moderna.
Sinabi pa ni Vergeire, sinisiguro ng pamahalaan na naipatutupad ang ilang protocols para maiwasan ang kontaminasyon.
Dagdag pa niya, hindi makakaapekto ito sa pagbili ng Pilipinas ng Moderna vaccine.
Matatandaan, sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer & Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na tinatayang nasa 25 milyong COVID-19 vaccines ang darating sa Pilipinas ngayong Septyembre kabilang na rito ang Moderna.