Pagbabakuna ng Pfizer booster shot sa mga edad 65 pataas, inaprubahan na ng US-FDA

Maaari nang bakunahan ng Pfizer COVID-19 booster vaccine ang mga edad 65 pataas sa Amerika.

Ito ay matapos ilabas ng United States Food and Drug Administration (US-FDA) ang advisory panel na nagsasaad ng approval ng pagbabakuna ng Pfizer vaccine sa mga senior citizen at iba pang may high-risk sa COVID-19.

Bagama’t hindi sang-ayon ang mga panel of scientist ng FDA sa pagbabakuna ng booster shot sa mga karaniwang mamamayan ng Amerika, inirekomenda na lamang ito sa mga matatanda o may sakit.


Bukod sa nabanggit na age group, isinama na rin ang healthcare workers sa mga pwedeng turukan ng booster shot.

Facebook Comments