Alinsunod sa inilabas na abiso ng Department of Health (DOH), sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna ng second booster sa mga edad 50-anyos pataas at 18-anyos hanggang 49-anyos na pawang may comorbidities.
Ikakasa ang pagbabakuna sa 44 na health centers, 6 district hospitals at 4 malls.
Kaugnay nito, papayagan ng Manila LGU ang mga nais na mag-walk in pero kinakailangan nilang magparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph para makuha ang detalye.
Ang mga 18-anyos hanggang 49-anyos na pawang may comorbidities ay kinakailangan naman magdala ng update na medical certificate na pirmado ng lisensisyadong doktor.
Magdala rin ng valid ID at vaccination card saka ipakita ang QR Code na patunay na ang isang indibidwal ay nakapag-parehistro na.