Pagbabakuna sa A4 category, hahatiin sa dalawang phase

Ipaprayoridad ng pamahalaan ang pagbabakuna ng A4 priority individuals sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Metro Cebu at Metro Davao.

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay may “simplified A4 category” kung saan sakop nito ang lahat ng government at private sector workers, informal sector workers, at mga nagtatrabaho sa kanilang mga bahay pero kailangan pa ring mag-report sa kanilang trabaho.

Ang pagbabakuna sa A4 group ay hahatiin sa dalawang bahagi.


Phase 1: ang A4 workers sa NCR+8 (Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal, Laguna, Pampanga, Metro Cebu, at Metro Davao)

Phase 2: ang mga A4 workers sa labas ng NCR+8 areas

Una nang sinabi ni Dr. Teodoro Herbosa, special adviser ng National Task Force against COVID-19, nasa 28 milyong Pilipino ang nasa A4 category at ang pagbabakuna sa kanila ay makukumpleto sa Nobyembre.

Facebook Comments