AstraZeneca vaccines, halos nagamit na lahat ng pamahalaan – DOH

48

Halos nagamit na ng pamahalaan ang available supply nito ng AstraZeneca Vaccines na nakatakdang ma-expire sa June 30.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, nagtakda sila ng guidelines na ang lahat ng bakunang mapapaso sa katapusan ng buwan ay gagamitin.


Nasa higit 500,000 AstraZeneca doses ang mayroon lamang shelf life hanggang July 31 ang gagamitin para sa second dose.

Hinikayat ni Cabotaje ang mga local government units (LGUs) na simulan ang mobile vaccination efforts sa mga komunidad.

Iminungkahi rin niya na pahabain ang vaccination hours para mas maraming tao ang mabakunahan.

Ang mga second-dose recipients na bumiyahe at na-stranded sa ibang lugar na mag-avail ng second dose sa pinakamalapit na LGU.



Facebook Comments