Inamin ng Department of Health (DOH) na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa A4 priority group o essential workers sa National Capital Region o NCR plus 8 ay nakadepende sa supply ng bakuna.
Ang pag-amin ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ay kasunod ng ulat na may mga lokal na pamahalaan ang hindi pa makapagbakuna ng A4 category sa kanilang nasasakupan dahil walang bakuna.
Kabilang na rito ang Marikina City at Antipolo City, na hindi agad nakapag-umpisa ng vaccination sa A4 category dahil sa kawalan ng supply ng bakuna.
Sa kabila nito, kinumpirma ni Vergeire na may dadating sa bansa ngayong buwan na 10-million doses ng COVID vaccines
Ang mga dadating aniyang bakuna ngayong Hunyo ay ilalaan sa A4 group.
Facebook Comments