Pagbabakuna sa A4 group, posibleng maumpisahan sa Hunyo; Herd immunity, maaabot sa katapusan ng taon – Dizon

Maaaring magsimula sa susunod na buwan ang pagbabakuna sa essential workers sa ilalim ng A4 priority group, partikular sa National Capital Region.

Sa paglulunsad ng “Ingat Angat, Bakuna Lahat” campaign, sinabi ni Testing Czar Vince Dizon na maraming supply ng bakuna ang dumarating sa bansa kaya kailangang masimulan ang pagbabakuna sa essential workers.

Magandang balita aniya ito para sa pribadong sektor dahil mabibigyang proteksyon na mula sa COVID-19 ang mga manggagawa kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya.


Naniniwala rin si Dizon na maaabot ang herd immunity sa NCR at iba pang lalawigan pagsapit ng Nobyembre.

Mahalagang maipadala ang mga bakuna sa Local Government Units (LGUs) sa tulong ng pribadong sektor.

Para makamit ang herd immunity sa Metro Manila, kailangang makapagsagawa ng 120,000 vaccinations kada araw.

Facebook Comments