LINGAYEN, PANGASINAN – Nakiusap ang Provincial Health Office sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Pangasinan na bumuo ng panibagong grupo para sa pagbabakuna sa barangay kontra COVID-19.
Ayon kay Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer, layon ng pagbabakuna sa barangay na mabakunahan ang mga person with disabilities at mga bedridden na nahihirapang makapunta sa mga poblacion areas kung saan naroroon ang vaccination centers.
Naniniwala si De Guzman na tumaas ang vaccine acceptance sa Pangasinan dahil sa dumarami ang pumipala sa mga vaccination implementing units.
Samantala, nanawagan ang PHO sa mga Pangasinenseng edad 18 pataas na magpabakuna kontra covid upang mabilis na maabot ang herd immunity sa probinsiya.
Facebook Comments