𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗟𝗔; 𝗗𝗥𝗔𝗬𝗕𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡!

AGUILAR, PANGASINAN – Nahulog sa bangin ang isang police mobile car kasama ang driver matapos hindi gumana ang manibela ng sasakyan sa bayan ng Aguilar.

Pasado alas 9′ ng umaga kahapon ika-19 ng Oktubre nang maganap ang insidente sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Bocboc West sa bayan ng Aguilar.

Kinilala ang biktima na si PSSG Reynante Abril ng Aguilar MPS na mas kilala din sa tawag na “Flavio, Ang Panday”.


Agad namang itinakbo sa pagamutan ang biktima kung saan nagtamo ito ng iba’t ibang sugat sa kanyang katawan.

Sa kasalukuyan, nasa mabuti naman ng kalagayan ang pulis at patuloy na nagpapagaling isang ospital dito sa lungsod ng Dagupan.

Facebook Comments