Sisimulan na sa Pebrero ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 taong gulang.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na sa ngayon ay hinihintay na lamang ang pagdating ng mga bakuna na binili ng pamahalaan para sa nasabing age group.
Ani Cabotaje, iba ang formula ng bakuna na syang gagamitin para sa edad 5-11 taong gulang.
Tanging Pfizer pa lamang ang binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) para magamit sa naturang age group.
Nabatid na ilang Local Government Units (LGUs) na ang nagsasagawa ng pre-registration para sa nakatakdang pagbabakuna ng mga batang edad 5-11 taong gulang na sisimulan sa susunod na buwan.
Facebook Comments