Tiniyak ng Employers Confederation of The Philippines (ECOP) na hindi gagawing mandatory ang vaccination sa mga essential workers o mga nasa A4 category.
Sa interview ng DZXL – 558, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. na ibibigay lamang ang mga bakuna sa mga empleyadong nais ng mabigyan ng COVID-19 vaccine.
Habang kukumbinsihin nila ang mga empleyadong tatangging magpabakuna para hindi masayang ang mga in-order na COVID-19 vaccine.
Kumpiyansa naman ni Ortiz na magiging maganda an epekto nito sa ekonomiya ng bansa kapag nabakunahan na ang essential workers laban sa COVID-19.
Facebook Comments