Pagbabakuna sa General Public, posibleng simulan sa Agosto – Galvez

Sinisilip ng Pilipinas na masimulan ang COVID-19 vaccination ng general public sa Agosto.

Una nang sinabi ni Galvez na masisimulan ang vaccination sa general population sa katapusan ng Abril o Mayo subalit naurong ito sa Hulyo, hanggang sa naurong muli ito.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., maaring isagawa ang general public vaccination kapag dumagsa na ang mga bakuna sa bansa.


Target ng pamahalaan na matapos ang pagbabakuna sa A1, A2 at A3 priority groups pagsapit ng Hulyo.

Kapag nagkaroon ng sapat na bakuna ay maaaring umpisahan ang pagbabakuna sa A4 at A5 group sa Hunyo.

Facebook Comments