Nag-abiso amg pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga kawani at mga kamag-anak nila naturukan ng bakuna kontra COVID-19 na muli nilang ipagpapatuloy vaccination program sa Biyernes, February 4, 2022.
Gaganapin ang pagbabakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-4.
Nasa 800 doses ng bakunang Moderna at 200 doses ng Sinovac vaccines.
Ito’y para sa magpapabakuna ng second dose at booster na unang sumalang sa pagbabakuna sa NAIA Terminal-4.
Maging ang ilan nilang mga kawani na nakakumpleto na ng bakuna sa mga lugar kung saan sila nakatira ay maaari rin naman magpaturok ng booster shot sa Biyernes.
Magsisimula ang pagbabakuna ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Pangungunahan ng mga tauhan ng Bueau of Quarantine ang pagbabakuna sa Terminal-4 kung saan kanilang paalala sa mga sasalang sa pagbabakuna na huwag kalimutan ang mga vaccination card na inisyu sa kanila.