Inanunsyo ng City Vaccination Team ng Dagupan City na sisimulan na ang pagbabakuna sa mga residente nito na kabilang sa A5 Category o indigent population at rest of adult population.
Ayon kay Dr. Dalvie Casilang,ang Vaccination Team Leader ng lungsod, maari nang magparehistro ang mga ito sa vaccine.dagupan.gov.ph.
Hintayin lamang ang confirmation sa petsa kung kailan ang schedule ng pagpapabakuna sa pamamagitan ng text message.
Kailangang dalhin ang 4ps o kaya naman ang certificate of indigency mula sa barangay para sa mga A5 category.
Sa mga hindi kayang makapagparehistro sa online, abangan na lamang aniya ang community based vaccination sa kada barangay.
Samantala, nasa 39 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Dagupan City at labing apat na barangay ang walang aktibong kaso ng nakakahawang sakit. ###