Pagbabakuna sa labas ng Metro Manila, dapat mahigpit na i-monitor – Leachon

Nagpaalala si dating National Task Force (NTF) Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon na kailangan pa ring i-monitor ng pamahalaan ang pagbabakuna sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Leachon, mataas pa rin kasi ang vaccine hesitancy sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Aniya, kahit nasa 88% na ang vaccination rate sa Metro Manila, nasa below 30% naman ang ilang rehiyon sa bansa.


Paliwanag nito, posibleng pagmulan ng problema ang paglabas-masok sa Metro Manila ng mga hindi pa bakunado.

Maliban dito, nagpaalala rin si Leachon na na paigtingin ang pagmo-monitor sa mga border ng bansa mula sa mga uuwing turista ngayong holiday season.

Facebook Comments