DFA, nilinaw na sasagutin nila ang lahat ng gastusin sa evacuation at repatriation ng mga Pinoy mula Ukraine

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang gagastusin ang mga Pilipinong ilalabas nila mula Ukraine.

Ayon sa DFA, lahat ng repatriation expenses ay sasagutin ng departamento.

Kabilang dito ang gastusin sa transportasyon mula Kyiv, Ukraine patungong Warsaw, Poland.


Gayundin ang pagkain at accommodation pagdating sa Lviv at Warsaw, kasama na ang RT-PCR test, at pamasahe sa eroplano pauwi ng Pilipinas.

Ang naturang mga expenses ay kukunin anila sa DFA Assistance-to-National’s fund.

Facebook Comments