Nilinaw ng ng Department of Health na wala pang ibinibigay na rekomendasyon ang National Immunization Technical Advisory Groups (NITAG) sa pagbabakuna sa mga batang may comorbidities.
Ibig sabihin, hindi pa rin maaaring bakunahan ang mga batang edad na 12 hanggang 17.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa rin ng mas maraming datos para tiyaking na ligtas ang COVID-19 vaccines sa mga bata.
Aniya, sa kabila ng banta ng mas nakakahawang Delta variant, lumalabas pa rin sa mga pag-aaral na mas mataas ang posibilidad na maging malala ang COVID-19 kapag ang tinamaan ay matatanda.
Dagdag pa ng kalihim, sa oras na mabakunahan ang mayorya sa nasa priority sector, tiyak na kasama na sa mapo-proteksyunan ang mga kabataan.
Facebook Comments