Pagbabakuna sa mga edad 12-17, posible na sa susunod na buwan

Posibleng masimulan na sa huling linggo ng Septyembre hanggang unang linggo ng Oktubre ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17.

Pero ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., depende pa ito sa suplay ng bakuna sa bansa.

Nabatid na aabot kasi sa 26 milyong doses ng bakuna ang kailangan ng gobyerno para mabakunahan ang lahat ng mga kabataang kabilang sa nasabing edad.


Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pfizer-BioNTech para sa mga nasabing edad.

Habang nagpasa na rin ng aplikasyon ang Chinese Pharmaceutical Company na Sinovac para magamit ang kanilang bakuna sa mga kabataan.

Facebook Comments