Pagbabakuna sa mga essential workers sa Navotas City, posibleng masimulan na sa Hunyo

Tiwala ang Navotas City Government na masisimulan na nila ang pagbabakuna sa mga essential worker na kabilang sa A4 priority groups sa buwan ng Hunyo.

Kaugnay nito, umapela si Navotas Mayor Toby Tiangco sa mga residente na tiyaking nakapagparehistro na sa NavoBakunaCOVID-19 vaccination program.

Naglabas na rin ng schedule ang Local Government Unit (LGU) para sa pagbabakuna sa mga senior citizens at may comorbidity sa susunod na linggo.


Maglalaan ang LGU ng 162 doses ng Pfizer araw-araw para sa indigent senior citizens na mababakunahan sa Navotas City Hospital.

Paliwanag ng alkalde, kasalukuyang inuubos na lang ang stock ng AstraZeneca vaccine sa mga nagpapaturok ng unang dose at pagkatapos ay isusunod na ang CoronaVac.

Facebook Comments