Pagbabakuna sa mga Frontliners, Aarangkada na bukas

Cauayan City, Isabela-Sisimulan na bukas ang pagbabakuna sa mga healthcare workers kung saan 10,800 doses ng SINOVAC vaccine ang nakatakdang ipamahagi ngayon sa Top 6 Hospital na kinabibilangan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), Southern Medical Center, Region 2 Trauma and Medical Center, Regional PNP Hospital at Tuguegarao City Peoples General Hospital.

Habang wala pang schedule kung kailan posibleng idala ang mga bakuna na inilaan sa Batanes General Hospital.

Bukas (March 7), sisimulan ang pagbabakuna sa mga health workers sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).


Sabay-sabay naman ang pagbabakuna sa mga ospital ng Tuguegarao City Peoples General Hospital, PNP Region 2 Health Service Unit at Region II Trauma and Medical Center sa darating na lunes, March 8.

Sa darating na miyerkules (March 10), sisimulan naman ang vaccination program sa Southern Isabela Medical Center.

Samantala, nagpaliwanag naman si CVMC Medical Chief Dr. Glenn Mathew Baggao na wala dapat ipangamba ang publiko sa pagbabakuna dahil ligtas itong iturok sa katawan ng tao.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Baggao sa panayam ng iFM Cauayan sa kanya sa kabila ng kaliwa’t kanang usapin sa bakuna ng bansang China.

Facebook Comments